Philippine Studies» nick joaquin

Ang Pinanggalingan ng ‘Tatarin’
<g:plusone size="tall" href="http://emanila.com/philippines/ang-pinanggalingan-ng-tatarin/"></g:plusone>

Ang sumusunod na artikulo ay batay sa orihinal na lathalain na ipinadala ni G. Gomez Rivera.

Para sa mga nanonood na hindi gaano naka-intindi, o nakasunod, ng argumento ng pelikulang TATARIN, na batay sa isang obra ni Nick Joaquin (The Summer Solstice), binibigay namin ang mga sumusunod na pagpaliwanag ni Dra. Belen de los Santos y Sisioco de Arguelles, inampun bilang anak ni Don Epifanio de los Santos y Cristobal  (kung kanino pinangalanan ang EDSA) at dating pangulo ng Division o Instituto de Espanol y Cultura ng DECS. Ang mga pagpaliwanang ukol sa Tatarin binigay ni Dra. Arguelles nuong 1964 pa.

Ang TATARIN ayon kay Dra. Arguelles ay isang ritual upang magkaroon ng anak ang isang babaeng katutubo, lalo na ang mga katutubong Tagala.  Binibigay, nitong mga babaeng nangagtatarin, ang kanilang sarili sa “iilang mga halusinasyon na guinawang mistulang sayaw upang sila’y magkaroon ng anak”.

Pero ang pelikula, na batay sa obra ni Nick Joaquin, maykatha  at pambansang  artista sa panitikan, hindi nagsasabi kung saan, at kung kailan, sumibol  itong ritual ng pagkafertil ng isang babae.

Ang ‘Tatarin’ ay may kaugnayan sa WASP

Hindi rin sinasabi ng pelikula na ang dahilan ng pagsibul ng rito, o ritual, ng TATARIN,  hanggang sa mga taong 1920, may kaugnayan sa pagmasaker ng mga Kanong WASP (White Anglo-Saxon Protestants o mga Puting Protestante) sa mga kayumangguing mga bayaning Pilipino sa panahon ng digmaan ng Estados Unidos laban sa sinalakay nilang unang Republika ng Filipinas na tinatag nuong a 12 ng Hunyo, 1898.

Ang digmaan na inumpisahan ng Estados Unidos, o ng mga Kanong WASP, laban sa unang Republika ng Filipinas nuong  1899 talagang natapos ng mahuli nila ang  pangalawang pangulo ng naturang Republika na si Macario Sakay y De Leon sa  taong 1907.

PINAGPAPATAY ng mga Kanong WASP ang isang milyun at kalahating mga Pilipino  sa pangalan ng digmaang iyon na sinimulan ng mga nasabing Kano ng binaril  nila, sa tulay ng Santa Mesa at San Juan, ang mga walang malay na mga sundalong Pilipino nuong Febrero 1899.

Pinagpapatay ng mga mananakop na mga Kanong WASP ang ikalimang bahagui ng  buong populasyon ng Filipinas ayon kay James B. Goodno, isang historiador na  Kano din. Ang datos na ito makikita sa pahina 33 ng libro ni Goodno na  pinamagatan na: “Philippines, Land of Broken Promises na pinublika sa Nueva  York” nuong 1996.

Ayon kay Dra. Arguelles “ang mga namatay na lalaking katutubo naguing napakarami kung ihambing sa proporsiyon total ng populasyon ng bansa na ang  pakirandam na lumatay sa kababaihan ay ang pangulila dahil pati ang mga  lalaking katutubo na di pinatay, sa digmaang iyon, nagkaroon ng trauma at  parang nawalan sila ng ganang magparami ng lahi. Ang pagkawasak ng kanilang  unang Republika  nagkarron ng malaking epekto sa kanilang pag-iisip at  humina ang kanilang pagnanasa at pakay sa pagkaroon ng mga anak. Dahil sa  kalagayang ito na bumalot sa mga kalalakihang katutubo, nagwala ang mga  kababaihan.”