Philippine Studies» kahirapan

Kawanggawa at Kahirapan
<g:plusone size="tall" href="http://emanila.com/philippines/kawanggawa-at-kahirapan/"></g:plusone>

Ikaw ang kanlungan ng nangangailangan Ikaw ang pag-asa at kinabukasan Haplos mo ay lunas sa bawat pagal Salamat sa iyong dampi ng pagmamahal PCSO

Ang mga taludtod na ito ay ang kabuuan ng kantang “Dampi.” Inihahatid sa atin ang naturang kanta ng ilang patalastas sa radyo, gayundin ng isang [i]music video[/i] na malimit ipalabas ngayon sa telebisyon bilang patalastas din, ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Kung sino ang lumikha ng kantang ito ay hindi malinaw saanman sa naturang mga patalastas, bagama’t ang bandang umaawit at tumutugtog nito ay ipinakikilala sa music video bilang Mirahel.

Malinaw ang mensaheng tinatangkang iparating ng naturang kanta: ang PCSO ang sagot sa kadustaan ng karamihan sa mga mamamayan ng ating bansa. Sa unang dalawang linya’y agad nang mahihinuha ang ganito:

Ikaw ang kanlungan ng nangangailangan Ikaw ang pag-asa at kinabukasan

Basahin natin nang magkasama ang dalawang linyang ito, at makikitang sinasabi ng mga ito na ang PCSO ang “pag-asa at kinabukasan” ng mga kababayan nating dukha (ang mga “nangangailangan”) – na bumubuo ng may 88 porsiyento ng ating populasyon, batay sa mga estadistika mula sa IBON Foundation – sapagkat ang ahensiyang ito ang kanilang “kanlungan.” Ang sumusunod na dalawang taludtod nama’y pagpapahalaga at pasasalamat sa mga itinuturing na paglilingkod ng PCSO sa mga kapos-palad.

Sa bahaging ito’y kinakailangan ang isang batayang pagtanaw sa kasaysayan at mga gawain ng PCSO.

Itinatag noong 1934, ang PCSO ay nagsasagawa ng mga suwipistik, pakarera, at loterya. Sa kinikita mula sa mga ito, 55 porsiyento ang ibinibigay bilang premyo sa mga nananalo, habang 30 porsiyento naman ang nakalaan sa mga proyektong pangkawanggawa. Ang natitirang 15 porsiyento’y inilalaan sa mga guguling pang-operasyon ng PCSO.

Ang lahat ng tao’y nangangailangan ng hustong sustansiya sa katawan at isip upang maging lubos na mainam ang kanilang pamumuhay. Hindi nila makakamit ang ganito sa isang kaayusang panlipunan kung saan ang karamiha’y maghapon-magdamag na nagbubuhos ng pawis sa mga bukid at pagawaan at maging opisina upang pagkatapos ng bawat araw ng trabaho’y mag-uwi ng kitang hindi makasapat upang tustusan nang husto ang mga batayang pangangailangan.

Sa wika ni Heber Bartolome sa kanyang kantang “Almusal,” ang kalakhan ng ating mga kababayan ay “gumagawa ng paraan” pagdating sa pagkain: “Ang almusal at tanghalian/Pinagsasabay na lang” – dahil kulang ang kita upang matustusan nang mahusay ang almusal, tanghalian, at hapunan.

Kung sa pagkain na nga lang ay kulang na ang kinikita, lalo nang hindi matutustusan ang iba pang pangangailangan – tulad ng maayos na pananamit at pamamahay.

May masamang epekto sa kalusugan ang matagalang kakulangan ng pagkain: nakapagpapahina na nga ito ng katawan ay nakasisira pa ito ng mga selula ng utak. Idagdag pa rito ang tiyak na pinsalang idinudulot sa pangkalahatang kalusugan ng kawalan ng maayos na pananamit at pamamahay.