Salawikain (Tagalog Proverbs)

Ang salawikain ay mga kasabihan na nagmula sa mga pahayag at payo ng mga matatanda ayon sa kanilang mga karanasan sa buhay o sa isinalin sa kanila ng kanilang mga ninuno.

Ang ibang salawikain ay napapalooban ng mga pahayag sa kagandahang asal kaya ang mga ito ay nagsisilbing parang “code of conduct.”

May mga katumbas ang ibang salawikain sa Ingles katulad halimbawa ng:

Turan mo ang iyong kaibigan, sasabihin ko kung sino ikaw. (Tell me who your friends are, and I’ll you who you are.)

Ang tunay na kaibigan, nakikilala sa kagipitan (A friend indeed is a friend in need.)

Gawin mo sa kapuwa mo. Ang nais mong gawin niya sa iyo. (Do unto others what you want others do unto you.)

Malaki ang impluwensya ng salawikain sa kultura ng mga Filipino dahil sa bisa nito sa pagpapahiwatig ng pakikipagkapwa-tao, sa ugnayan ng tao sa Diyos, sa pagbibigay galang at puri sa mga magulang at sa pamumuhay.

Nandito ang ilang salawikain na hinango namin mula sa iba’t ibang lathalain:

SALAWIKAIN

Ang paala-ala ay mabisang gamot sa taong nakakalimot.

Ang taong nagigipit, kahit sa patalim ay kumakapit.

Hangga’t makitid ang kumot, magtiis mamaluktot.

Magsisi ka man at huli wala nang mangyayari.

Huli man daw at magaling, naihahabol din.

Kung hindi ukol, hindi bubukol.

Matalino man ang matsing, napaglalalangan din.

Bawa’t palayok ay may kasukat na suklob.

Batang puso madaling marahuyo.

Tikatik man kung panay ang ulan,
malalim mang ilog ay mapapaapaw.

Naghangad ng kagitna, isang salop ang nawala.

Ubus-ubos biyaya, maya-maya ay nakatunganga.

Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.

Kung binigyan ng buhay, bibigyan din ng ikabubuhay.

Ang iyong kakainin, sa iyong pawis manggagaling.

Buhay alamang, paglukso ay patay.

Buntot mo, hila mo.

Kung nasaan ang asukal, naruon ang langgam.

Walang mapait na tutong sa taong nagugutom.

Lahat ng gubat ay may ahas.

Ang anumang kasulatan dapat ay lalagdaan.

Nasa taong matapat ang huling halakhak.

Ang tunay na kaibigan karamay kailan man.

Ang tunay na kaibigan, nakikilala sa kagipitan.

Ang matapat na kaibigan, tunay na maaasahan.

Turan mo ang iyong kaibigan, sasabihin ko kung sino ikaw.

Ang tunay mong pagkatao, nakikilala sa gawa mo.

Ang tao kapag mayaman marami ang kaibigan.

Magkulang ka na sa magulang huwag lamang sa biyenan.

Ang pag-aasawa ay hindi biro, ‘di tulad ng kanin
Iluluwa kung mapaso.

Nakikita ang butas ng karayon, hindi makita ang butas ng palakol.

Kung gaano kataas ang lipad gayon din ang lagapak pag bagsak.

Hampas sa kalabaw, sa kabayo ang latay.

Kapag ang ilog ay matahimik, asahan mo at malalim.
Kapag ang ilog ay maingay, asahan mo at mababaw.

Ang lumalakad nang mabagal, kung matinik ay mababaw.
Ang lumalakad nang matulin, kung matinik ay malalim.

Ang hindi lumingon sa pinanggalingan,
hindi makakarating sa paruruonan.

Ang langaw na dumapo sa kalabaw,
mataas pa sa kalabaw ang pakiramdam.

May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.

Kung ano ang itinanim, iyon din ang aanihin.

Ako ang nagtanim, ang nagbayo at nagsaing,
saka nang maluto’y iba ang kumain.

Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.

Huwag magbilang ng manok hangga’t hindi napipisa ang itlog.

Kung sino ang unang pumutak, siya ang nanganak.

Magkupkop ka ng kaawa-awa, langit ang iyong gantimpala.

Ang mabuting gawa kinalulugdan ng madla.

Kapag bukas ang kaban, nagkakasala sinuman.

Ang butong tinangay na aso, walang salang nalawayan ito.

Ang utang ay utang, hindi dapat kalimutan.

Ang iyong hiniram, isauli o palitan.
Upang sa susunod, hindi ka makadalaan.

Ang bungang hinog sa sanga matamis ang lasa.
Ang bungang hinog sa pilit kung kainin ay mapait.

Walang humawak ng lutuan na hindi naulingan.

Gawin mo sa kapuwa mo. Ang nais mong gawin niya sa iyo.

Ang sakit ng kalingkingan damdamin ng buong katawan.

Ang mabigat ay gumagaan kapag pinagtulung-tulungan.

Madaling pumitas ng bunga,
kung dadaan ka sa sanga.

Ibong sa awla’y ikinulong nang mahigpit,
kapag nakawala’y hindi na babalik.

Kahoy mang babad sa tubig sa apoy huwag ilapit
‘pag ito’y nadarang sa init, sapilitang magdirikit.

Nawawala ang ari, nguni’t ang uri ay hindi.

Sa larangan ng digmaan, nakikilala ang matapang.

Kung may hirap ay may ginhawa.

Kung ano ang taas ng pagkadakila
siya ring lagapak kapag nadapa.

Ang pag-ilag sa kaaway ang tunay na katapangan.

Bago mo batiin ang dungis ng ibang tao,
ang dungis mo muna ang tingnan mo.

Walang pagod magtipon, walang hinayang magtapon.

Ano man ang tibay ng piling abaka
ay wala ring silbi kapag nag-iisa.

Ang gawa sa pagkabata, dala hanggang sa pagkamatanda.

Ang taong mainggitin, lumigaya man ay sawi rin.

Walang matiyagang lalake sa pihikang babae.

Ang bayaning nasugatan, nag-iibayo ang tapang.

Kung takot sa ahas, iwasan mo ang gubat.

Kapag may isinuksok, may madudukot.

Matutuyo na ang sapa nguni’t hindi ang balita.

Ang tunay na anyaya, may kasamang hila.

*** Posted: Pebrero 4, 2003, emanila*pilipino

Comments

  1. Connie C. Laconsay says

    Maganda po ang inyong website na ito. Nakapagtuturo ng maraming kaalaman, at nakakapaghimok sa mga mambabasa na magpadala rin ng mga salawikaing karapat-dapat na mabasa.

    Sa susunod na pagbubukas ko nito ay nais kong makita ang salawikain tungkol sa paghubog sa ugali o kinagawian (habit) ng isang tao.

    Maraming salamat po.

    - Connie Carandang-Laconsay

  2. Team EmanilaTeam Emanila says

    @Connie
    Salamat po at nagustuhan ninyo itong ating websayt. Hayaan ninyo at maghahanap pa tayo ng ibang salawikain.

  3. ma.kimberly c. sinfuego says

    sana po sa susunod pwede po bang ibigay nyo po ang kahulugan ng bawat salawikain please lang po marami pong nag hahanap ng salawikaing may meaning please lang po…!!!
    ^_^

  4. Team EmanilaTeam Emanila says

    @ c ako
    Maganda ang iyong suhestiyon. Naghanap kami ng mga resources dito pero iisa lang ang sinasabi: Ang interpretasyon ng mga salawikain ay lalong gumaganda ayon sa ating mga karanasan at mga paghahalimbawa. Sana nakatulong ito. – Team Emanila

  5. analizahan says

    thanks poh ah…. buti na lang maraming salawikain dito sa site na toh. marami poh akong nakuha para sa research ko thanks

    • albert says

      mauunawaan nyo din yan pad nagkakaedad na kayo, dahil makkasalunga nyo ang ilang mga bagay na sinasbi d’yan.

  6. Alyssa says

    suggest ko po lagyan niyo ng kahulugan or meaning. Kasi sayang nama eh. Ang damin ng salawikain pagkatapos titingnan mo lag ung salawikain pero ung meaning wala.

  7. K. A. Santos says

    Salamat po at nakarelate ako sa salawikain niyo. Maraming makaalala sa mga kaugalian natin sa pamamagtan ng mga salawikain. sana’y nagsilbing inspirasyon ito sa bansang Filipino at saan mang sulok ng mundo kung saa’y mayroong Filipino…^_^

  8. Team EmanilaTeam Emanila says

    @ everyone. salamat din sa inyong pagbibigay pansin dito sa ating webpage para sa mga salawikaing Filipino. ~ Henry

  9. Ms LERMS.D says

    salamat po na katulong po sa akin,,eto ,,dahil nag hahanap po ako ng mga salawikain panungkol sa pa papasya,,at my nakuha po ako,,,thanks po talaga,,keep up a good work GOD BLESSED PO,,,

  10. HYP/-099 says

    haiz.!! tp0z n rin ang Home work k0h! thx thx d2 xa salawikain ! sa susunod n may assingment ako tungkoL sa SAlawikain wala n ak0ng hahanapin kundi d2 ! ! ! XD

  11. rhoniel says

    salamat po sa mga salawikain, pero gaya po ng sinabi ni alyssa… lagyan nyu ng meaning… tsaka napansin ko may naulit… thank you!!!

  12. Michaella says

    heyy. salamat sa site na to.
    nakatulong sa assignment ko!!
    sana naman po pakilagyan ng meaning.
    kc po ung iba ndi ko maintindihan.
    para naman po mas maganda.
    hehe.
    cge po.
    salamat ulit!
    TC. GB.

  13. student says

    salamat po sa binigay niyong salawikain ^_^ nakakatulong po ito sa mga proyekto namin sana po magpatuloy lang ang website nyo para hindi na mahirapan pa ang maghahanap ng mga salawikain maraming salamat po ^_^_^_^_^_^ marami ang natutulungan nyo kaya that’s good^_^ NICE!!!

  14. jemera says

    tnx sa website nyo . nakatulng 2 ng malaki para sa proj. ko . mas maganda kung may meaning sayang please lagyan nyo ng meaning para d na ako magtanung ng meaning sa mama ko. tnx ulit

  15. says

    Galing galing neto. :]
    Ansaya basahen.
    Nakaka-enjoy na,
    Educational pa!
    Sana sa susunod na I open this,
    Mas marami pang Salawikains na lalabas.
    Pero, ayus na din ‘to.
    SUPEER! Anlake ng tulong saken.
    Nagawa ko asayment ko,
    Ng walang kahiraphirap!
    Napaka GALING!
    I’m done commenting.
    More power.

    Thank You! :)

  16. ????madona???? says

    ..aNg

    gnda p0h

    Ng wEbsitE u…

    sna mg-p0st

    pa p0h u

    Ng iba png

    salawikaiN…

    ‘..uNg mga

    nka2tuwa nmn

    p0h pra msYa!!!!!

    if mEr0n p0h u fs….

    add u nmn p0h me…

    if gust0 u lNg p0h…

    2 p0h uNg e-add qoh…

    madona_panther29@yahoo.com

    tnx… g0d bLess!!!!

  17. Jc Rey says

    ang inyong salawikain ay maganda at natulongan ako dahil sa kakabasa ko parang ba na may mga tao talagang ganyan good bye and god bless us all =))

    • maya_bacalla says

      Salawikain ang parang pangaral at paalala….ito ay isang aral ng buhay na dapat matutunan…di dahil sa itinuro sayo bagkos lubos mo itong nauunawaan…

  18. elvie lng poh says

    ang dame po nang mga salawikain niyo hindi ko toloy malaman kung alin dito ang pipiliin ko jejejejejejejejeh

  19. Team EmanilaTeam Emanila says

    SA LAHAT > Maraming salamat sa inyong pagbisita sa amin at sa inyong mga iniwang mensahe. Mabuti naman at nakakatulong ang websayt na ito lalo na inyong mga homework at project.

    • JUNA SITOY says

      SA TOTOO LNG NAKATULONG NMAN TALAGA SAAMIN ANG INYONG MGA

      SALAWIKAIN NAKAGAWA AKO NG AMING HOME WORK…….MARAMING SALAMAT GOOD AND GOD BLESS US……

  20. angel batuigas says

    sUppppeR inSpiredd nA mn akOooo xhA saLawikain nnYo!!!!!!!!!!!!!! anG gReat nG work kEEp doiNg;;;;;……………………. from cebu, bantayan

  21. angel batuigas says

    tnx poH dito meron na po akong project xha scol …hehehehe ang dami nyo na pong natulungan dahil dito……..

  22. jupeter says

    Thanks sa paglagay u n yan
    nagwa qo na project qo
    sana lagyan u ng meaning
    GODBLESS AND TAKE CARE
    i love you peter framancilla

  23. princessjessa says

    salamat poh sa mga ito mayproject na po ako di na ako mababagsak hehehehehehehehehehehehehje
    salamat poh talaga

  24. Falzar says

    wow

    tnx alot for creating this website it helps me alot especially in my studies lol!!! ^_^ ngawa ko assignment ko wew..

  25. ahrol says

    tnx poh sAh siTe, nyo. . . . .dahil d2 ngwan q ng hOmework!! ang paMangkin q . . . . . . . . .tnx tnx!!!tlga; godbleZZzzzzzzzzz!!!!

  26. Farrah Jasmine Louise says

    …..thnx…po……
    …..mei….h0m3w0rk…..n…..m3!!!!!!!!!!
    …..j3j3j3j3j3j3j3j3j3j3j3j3j3j33j3j3j3j3j3j3j3j3jj3j3j3j3j3j3j3…..
    …..s4n…..p0…..galing…..mga…….2?????????????????????????????????
    ………………………..:p……………………………..

  27. astigmabuhay says

    maraming salamat! mabuhay kayo! sa tingin ko ito ang katapat ng haiku ng hapon, idiom, maxim ng mga ingles, proverbs ng bibliya at iba pa. tubong Pilipinas, gawa dito at sariling atin. magagaling ang Pilipino. nakakalimot lang. dahil sa mga website na to nabubuhay ang kultura natin. ituloy natin ito. mabuhay!

  28. rizelle says

    thankz po sa lhat nakatulong po kayo sa akin dahil nagawa ko po yung project ko ng mabilis dahil po sa tulong nyo!!!! thanzzzzz po ulet!!!!!

    • Team EmanilaTeam Emanila says

      @greek_deity_nix > Pakituro ang mga sinasabi ninyong mali para masiyasat namin at maituwid kung mali nga. Salamat.

      • ferdinand bajado says

        pakisama po sa listahan ito, madalas ko pong marinig sa matatanda, napapanahon naman po sa araw ng mga puso.
        ‘walang matimtimang birhen sa matiyagang manalangin’

        • maya_bacalla says

          Ngayon ko lang natutunan ang salawikain na to

          ” Walang matimtimang birhen sa matiyagang manalangin”

  29. dave says

    salamat poh kung wala poh itong mga salawikaing ito wala na poh akong project haha……………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………….

  30. aina and niqui says

    aina’s comment

    yes may project na ako okey na okey astiggggggggggggg

    niqui’s comment

    yehhey meron na din project sa hekasi

  31. sHeaN 08 says

    . hEy, thAnks pOh sA tuLong nio.. nGawa kOH nA unG aSsiGnmEnt kOh.. kLa koH anG hiRap mAg haNap, pro Ang daLi Pla.. keEp aLL uR gOod wOrks :)

  32. sHeaN 08 says

    ..by d’ waY,gUsto kOh lNg bAtiiN mGa tGa hOly aNgeL unIversiTy anGeleS, pAmpAnga.. aNd alSo tO mY speciAL soMeone <>.. lOve yOu xO mUch.. muAh.. :*

  33. kRiStEl says

    ,,,,,tnx pOh nAkApAg sUbmIt mE At nAkApAg pA chEck mE ng clEarAncE,,,,,,tNx tlgA,,,,,,,,,hAhAhAhAh!!!!!!!

  34. mary rose says

    …………,,,,,,,,,,THANKS 4 THE PROVERB’S,,,,,,,,………LAKING TULONG N2 SA PROOOOOJEEECT NG YOUNGER SIS Q,,,…///THANKzzzzZZZ

  35. edkid12:-) says

    tnx poh malaki poh ang natulong sa akin ng website na ito!!!pero sana poh dagdagan nyo pa poh yong tagalog and english version!!!

    godbless………..

  36. Queen Claire Mhine says

    ek! ek! tnx for the informations u gave me… love yah! ^_^ tsk.tsk. chuvaler! ek! ek! chuvaler! ek! ek!

  37. Queen Claire Mhine says

    hahaizt…sana maraming kaugalian ng mga pilipino ang inyong salawikain… but still, thanks u so much! love yah! ek! ek! tsk.tsk.

  38. jade says

    ang ganda di na aku ma hirapan sa nga assignment ko… thnx a lot po…. god bless you site…. more comment to comes… hehehehe

  39. Chit says

    SALAMAT sa website nyoh,, nakagawa ako ng assignment ko,, hehe,, sana nga po may meaning,, kasi ung iba hindi ko maintindihan e. pero ok naman mpo ung salawikain nyo,, sana may tungkol sa gobyerno,, para masaya,, diba? geh bye!!

  40. RAle-an says

    walang perpecto sa lahat na tao
    check my grammar please
    in english:(nobody is perfect but we can be the best)
    > <
    = W =

  41. ric says

    thank you for your such nice Filipino proverbs….. you have helped me in my assignment in Philippine literature…… God bless you and more power to you…….thanks again…….

    Pray always for others and for the world and for you……….including all seminarians for their perseverance……

  42. jezu (jm) says

    salamat po sa site na ito. nakaktulong po sa assignment ko. kaso lng yung kukang ay yung meaning.. sana lagyan nyo po meaning para mas makaintindi kami sa salawikain na iyan. pero anyways, salamat. :)

  43. Carvincole says

    I like this Salawikain, because it have meanings at all that it says. I most liked “Ang tunay the kaibigan, nakikilala sa kagipitan”. Because I wanna do that. When I read it, this is what comes to my mind. “This is like what like Jesus says” So I wanna do it, in real life. I wanna come back to speak In Filipino. Thank You Salawikain!

    -Carvina Nicole Ballesteros-

  44. birchtree says

    Nasiyahan ako sa mga nilalaman ng inyong website lalo na ang tungkol sa mga salawikain. Salamat emanila =)

    • maya_bacalla says

      Sa tingin ko ang ibig sabihin nito ay…kahit maliliit na ulan kung tuloy-tuloy ang pagpatak, ilog man ay mapupuno din at aapaw….

      Kung sa isang pagkakamali ito ihahambing…. ang maliliit na pagkakamali ngunit paulit-ulit, masasgad din ang sisidlan ng pasensiya.

      Kung sa tiyaga naman ito ihahambing….kung ikaw ay nag iipon ang maliit na bobot pagnatipon, malaki narin yon.

  45. Makibaoh says

    salamat sa website na to kasi may project kami dito eh salamt po sa gumawa nito. Nasa Diyos ang Awa,nasa tao ang gawa. tnx po

  46. jake cuenca says

    tnhx po d2 dahel d2 alam ko na ang mga kasabhan tska po required po smen 2 sa taping eh tnhx po tlga TY TY TY TY TY!

  47. Filipino Half American (Sonia Hutcherson) says

    I love those words post by Team eManila..
    I Have now those Salawikain words.. My Friends love to learn this filipino words.. (coz’ i am a half american!)
    I wrote The words on the paper..
    I love This,,, Thank you.. I Appreciate your country Philippines
    Love,
    Sonia Hutcherson

  48. SoniaHutcherson Luvs Emanila says

    Thank You From This Post.. I love This! Hope Many Filipinos Thanks Your Website! My Mom a Filipina So She Knows Whats Written On Your Comments., Dad Dont Know., coz He’s American.. Were Now At Philippines.. Laguna,Cabuyao. I am Studying At Saint Jerome Intergrated School Of Cabuyao. :) :) :) Hope You Understand What I Mean To Say..

  49. carmina mendoza says

    Tnx…

    I love those words post by Team eManila..
    I Have now those Salawikain words.. My Friends love to learn this filipino words.. (coz’ i am a half american!)
    I wrote The words on the paper..
    I love This,,, Thank you.. I Appreciate your country Philippine

    love,

  50. Merii Lu says

    –TNX po! nkatul0ng din it0ng website niy0 sa assignment ko.. :)
    –sana po ay magkaroon kayo ng mga salawikain patungkol sa PAG-iBiG.. :)
    –KEEP IT UP! GOD BLESS! :D

  51. aireen ann says

    . . thank you po at nagawa na ako ng project akalain niyo po 45 na salawikain 20 na kwento 30 na bugtong nakssTT..

    . . thank you po ulit???..

    from: aireen ann briones francisco

  52. lea says

    pag ang tao’y mapera’t mayaman,
    sagana sya sa kasama’t kaibigan,
    ngunit
    kapag naghirap ang buhay
    wala ng s kanya’y daramay..

  53. clara david says

    sana may gabay ng pamumuhay,gabay sa pananampalataya,gabay sa bayan,gabay sa pamilya,gabay sa pakikipagkapwa na salawikain. thanks.

  54. NoMeR says

    salamat po sa website na ito magkakaroon narin po ako ng assignment..Thank you po talaga^_^ Sana maraming pilipino ang makakita nito…

  55. Monique cahh says

    hahayxx… hndi tlaga aku maka hanap ng salawikain na may kahulugan kasi yun ang pina pahanap ng teacher namin eh….. :/ but happy prin..

  56. jasmin^_^ says

    slmat poh sa website na ito nag karoon din ako ng ass. mraming sagot ang nakuha ko d2 sana marami pa kaung matulungan sa mga ass mraming slamat tlaga sa inyo ^_^ !_! (><) ………………..

  57. jasmin^_^ says

    salamat po sa website na ito magkakaroon narin po ako ng assignment..Thank you po talaga^_^ Sana maraming pilipino ang makakita nito from; jasmin

    • elesio f. caras jr. says

      .
      ay salamat mayron na kaming magagamit na salawikain sa aming first ever broadcasting. thanks sa site na ito…………….

    • olivia says

      oo nga maganda makakatulong din sa assignments ng ibang bata katulad ko isang bata na nangangailangan ng tulong sa computer………

  58. Angelika & Angel says

    :D Maraming maraming salamat po dito sa salawikain.. natapos ko na rin ang Project ko sa Pilipino!! Marang salamt po ulit.. GOD BLESS PO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  59. mhico says

    TY poh sa salawikain nakatapos din ng assignment sa filipino sa ibang websites kc ang konti d2 marami hehhe!!!

  60. ellanajie says

    great…
    very well made..it’s all in hir!
    it did help me a lot..
    i don’t find a hard time looking for some other site just to have a different sayings for my pro..tnx a lot..

  61. leanne says

    ang dami naman hindi ko tinapos lahat pero,nakakuha din ako ng mga salawikain…………thankzzz god.. na solve na ang problem ko.hehehe…

  62. joy says

    ah cno mraming alam tungkol sa salawikain tungkol sa pagsunod sa magulang
    bigysn nio nmn aqoh ngg example oh please…………………….
    hahahhahahahhahahhah please ngaun na ………………..
    joke lng po sa inyong lahat………….

  63. Marby Jover says

    To the maker of this website, THANKS A LOT! This WEBSITE IS A BIG HELP FOR MY FILIPINO PROJECT. More power:) and Godspeed:)

  64. aleli eunice says

    ang ganda talaga isinulat ko lahat kasi wala akong mapili magaganda kac lahat salamat nakagawa ako ng project ko perfect siguro to sa teacher ko

  65. green says

    sana lang sa lahat nang kabataan na gaya ko na nakabasa o makakabasa ng mga salawikaing ito e itatak natin o itanim ito sa isipan natin kung ano ang tunay na kahulugan nito. hndi lamang basta babasahin at isusulat,hindi lang ito makatutulong sa ating mga proyekto kundi maging sa ating buhay

  66. NICKART AND KAT says

    SALAMAT DN PO SA SITE NATO MARAMI AKONG NKITANG MARAMING MGA SALAWIKAIN SALAMAT PO D2 ……………….. ALM NANAMIN NG GF KO ANG MGA SALAWIKAIN AHEAEAEAE :)

  67. NIKKO says

    maganda ang website niyo kaso lang may kulang,hindi namin alam ang ibig sabihin non..Naghahanap din ako ng mga uri ng salawikain … salamat talaga!!

  68. says

    puwede po may kahulugan naman ! di ko po kasi alam ibig sabihin ng “MAMATAY SA KATOTOHANAN KAYSA MABUHAY SA KASINUNGALINGAN”

    please follow up ! i just want to know what is the meaning

  69. maya_bacalla says

    Nakakatuwang mabasa ang mga salawikain ng Pilipino. Nakakagaan sa pakiramdam. At naaalala ko pa noong maliit pa ako, malimit na ginagamit ng mga nakakatanda noon pag nagpapaalala ng mga bata, ay lagi nilang idinadaan sa kasabihan. Kaya karamihan samin mga bata napapaisip kung ano ba talaga ang ibig ipahatid ng mga lolo at lola noon. Sana lang po talaga, mapagyaman natin ang ating sariling wika.

  70. maya_bacalla says

    Hahaha!!! nakakatawa at talagang gusto pa talagang maisalin sa wikang Englis. Bahagi ko lang po ang iba ko pang paboritong salawikain:

    Gawaing di dinahan-dahan, karaniwa’y nasasayang.

    Ang di napagod magtipon, walang hinayang magtapon.

    Ang taong magalang, kailanman ay kinalulugdan.

    Di man magmana ng salapi, magmana man lang ng mabuting ugali.

    Hindi kikinis ang batong hiyas kung hindi ikikiskis; Hindi bubuti ang tao kung walang pahsubok at pagtitiis.

    Ang magalang na sagot ay nakakapawi ng poot.

    Walang batong sakdal tigas, na sa patak ng ulan ay di naagnas.

    Sa lakad ng panahon, lahat ay sumusulong.

    Ang taong matiyaga, anuman ay nagagawa.

    Ang taong mahal at mura, sa gawa makikilala.

    Ang malabis na salita, nakagagawa ng masama.

    Ang maniwala sa salita’t sabi, walang bait sa sarili.

    Ang ginto mo ma’y sankaban, ang pilak mo ma’y santapayan.
    Kung wala kang kaibigan, wala ka ring kabuluhan.

    Bago ka makipagkaibigan, isipin munang mataman;
    Sapagkat kung minsan ang kaliwang kama’y tinataga rin ng kanan.

    Anak na di paluluhain, ina ang patatangisin.

    Ang utang na loob magpakaliit man, utang at utang din kahit mabayaran.

    Ang pangako ay isang utang, sisingilin tumagal man.

    Kapag sinabing utang, sapilitang babayaran.

    Ang taong may hiya, ang salita’y sumpa.

    Masira man sa pilak, huwag lang sa pangungusap.

    —Ang galing diba? Nakakamang ha ang aral na dulot nila

  71. Jianne Sismundo says

    ang Ganda ng mga salawikain ana more pa plz…….kau wala hanap q k lng i need this too 4 my project in fil…so thanks very much…good job to the doer of this

  72. lloyd says

    may ibang halimbawa na hindi salawikain,sa halip ang mga ito ay kasabihan at kawikaan..
    magkaiba ang salawikain, kasabihan at kawikaan.

  73. myca says

    Ang ganda ng mga salawikain. Antagal ko naghalungkat dito sa ibang website. masmadami pala dito. Keep up the good work po and god speed

  74. anne says

    Good website pero sana next time makagawa kayo yung may mga meanings kasi basically masyadong malalim yung tagalog eh. :) Suggestion lang po. ^^

  75. emilyn beneliso says

    ahmff,,,yes i lyk ur website,,,marami tlgng matutotonan,,,but da one probx.,,is wla pong meaning…kc ussually hinahanap ng mga guro may meaning pra maintindihn tlga,,,pro great gusto q tlga!!!!!!!!!!!!!!!!,,,,perfect na cla sa mga tkdna araln atmga pasult!,,GREAT!!!!.
    :)

  76. Maria Christina says

    Many are innocents. Palagay rin po ng meaning at ang nais ipa- emphasize ng proverbs na ‘yon.
    But this website, I really appreciate it and really helps lot. Just a little bit clarification so all could understand fairly. Thank you po. :) :D

  77. Ma-Coy says

    Filipinos are rich of proverbs that can make or shape people about the aspects and lessons of life. It also shows that the ancestors of Filipinos are using this proverbs showing their concerns and cares for the children. It is really need or important to be studied by everyone.

  78. Lordilyn C. Valera says

    Salamat sa pag share ng iyong mga salawikain. Nag enjoy ako sa pagbasa. Sana ay madagdagan pa ang mga ito.

  79. kenosis pattag licayu says

    Salamat ng marami.. marami po akong natutunan sa mga salawikain niyo..
    Naway ang lahat ng ito ay aral sa lahat ng tao :)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>