Ang Pinanggalingan ng ‘Tatarin’

Ang sumusunod na artikulo ay batay sa orihinal na lathalain na ipinadala ni G. Gomez Rivera.

Para sa mga nanonood na hindi gaano naka-intindi, o nakasunod, ng argumento ng pelikulang TATARIN, na batay sa isang obra ni Nick Joaquin (The Summer Solstice), binibigay namin ang mga sumusunod na pagpaliwanag ni Dra. Belen de los Santos y Sisioco de Arguelles, inampun bilang anak ni Don Epifanio de los Santos y Cristobal (kung kanino pinangalanan ang EDSA) at dating pangulo ng Division o Instituto de Espanol y Cultura ng DECS. Ang mga pagpaliwanang ukol sa Tatarin binigay ni Dra. Arguelles nuong 1964 pa.

Ang TATARIN ayon kay Dra. Arguelles ay isang ritual upang magkaroon ng anak ang isang babaeng katutubo, lalo na ang mga katutubong Tagala. Binibigay, nitong mga babaeng nangagtatarin, ang kanilang sarili sa “iilang mga halusinasyon na guinawang mistulang sayaw upang sila’y magkaroon ng anak”.

Pero ang pelikula, na batay sa obra ni Nick Joaquin, maykatha at pambansang artista sa panitikan, hindi nagsasabi kung saan, at kung kailan, sumibol itong ritual ng pagkafertil ng isang babae.

Ang ‘Tatarin’ ay may kaugnayan sa WASP

Hindi rin sinasabi ng pelikula na ang dahilan ng pagsibul ng rito, o ritual, ng TATARIN, hanggang sa mga taong 1920, may kaugnayan sa pagmasaker ng mga Kanong WASP (White Anglo-Saxon Protestants o mga Puting Protestante) sa mga kayumangguing mga bayaning Pilipino sa panahon ng digmaan ng Estados Unidos laban sa sinalakay nilang unang Republika ng Filipinas na tinatag nuong a 12 ng Hunyo, 1898.

Ang digmaan na inumpisahan ng Estados Unidos, o ng mga Kanong WASP, laban sa unang Republika ng Filipinas nuong 1899 talagang natapos ng mahuli nila ang pangalawang pangulo ng naturang Republika na si Macario Sakay y De Leon sa taong 1907.

PINAGPAPATAY ng mga Kanong WASP ang isang milyun at kalahating mga Pilipino sa pangalan ng digmaang iyon na sinimulan ng mga nasabing Kano ng binaril nila, sa tulay ng Santa Mesa at San Juan, ang mga walang malay na mga sundalong Pilipino nuong Febrero 1899.

Pinagpapatay ng mga mananakop na mga Kanong WASP ang ikalimang bahagui ng buong populasyon ng Filipinas ayon kay James B. Goodno, isang historiador na Kano din. Ang datos na ito makikita sa pahina 33 ng libro ni Goodno na pinamagatan na: “Philippines, Land of Broken Promises na pinublika sa Nueva York” nuong 1996.

Ayon kay Dra. Arguelles “ang mga namatay na lalaking katutubo naguing napakarami kung ihambing sa proporsiyon total ng populasyon ng bansa na ang pakirandam na lumatay sa kababaihan ay ang pangulila dahil pati ang mga lalaking katutubo na di pinatay, sa digmaang iyon, nagkaroon ng trauma at parang nawalan sila ng ganang magparami ng lahi. Ang pagkawasak ng kanilang unang Republika nagkarron ng malaking epekto sa kanilang pag-iisip at humina ang kanilang pagnanasa at pakay sa pagkaroon ng mga anak. Dahil sa kalagayang ito na bumalot sa mga kalalakihang katutubo, nagwala ang mga kababaihan.”

Ang ritual ng tubig

Patuloy ni Dra. Arguelles: “Pero, ang araw ni San Juan Bautista may isang ritual ng tubig na siyang pagbabasa sa mga tao maski na sa guitna ng daan. Dahil sa ritual ng tubig, sumanib dito ang ritual ng TATARIN. At upang mapagtakpan ang katangiang seksuwal ng ritong ito, pinasiya ng mga babailana na sumama ang mga nangagsitatarin sa bawat procesion ni San Juan Bautista.”

“Ang pagbabasa ng katawan sa mga dekada ng 20, 30 at 40 may kahulugang kahalayan na nagbibigay ng estimulasyon sa mga nanood na kalalakihan. Ang katawang basa ng kababaihan nagpapalitaw ng hubog ng kanilang mga dibdib at balakang na siyang gumiguising sa mga kalalakihan na nasa mga kalye.”

“Pagkatapos ng pagsama sa prosesyon ni San Juan bilang mga devota nito, ang mga nangagsitatarin humihiwalay pagkatapos sa isang dakong nakatago kung saan nila sinisimulan ang mga maiinit nilang sayaw. Mistulang sayaw ng mga Hitana at mga Flamenca ang mga primitibong kilos at indak nitong mga sayaw na bunga na kanilang mga halusinasyon at pagnanasa. Ang kahinhinan na dating katangian ng mga Filipina ay winawaksi. At pagkatapos ng mga ganitong sayaw, ang mga nagsitatarin ay sumasama sa kanilang mga esposo upang makipagtalik.”

Magpa-tatarin para magka-anak.

“Ang mga babae na mula sa matataas na lipunan at sa panglipunang uri ng mga may profesyon at edukasyon sa mga unibersidad, may mababang pagtanaw sa mga karaniwang nangagsitatarin. Pero, may ilan din sa kanila ang sumusunod sa ritual na ito kapag malaki ang kanilang pangangailangan na magkaroon ng anak.”

Kung naipaliwanag sana ng mas maganda ang kasaysayan ng TATARIN, malamang na mas malawak din ang pagkakaalam ng madlang nanonood sa kung ano ang tunay na argumento ng isinapelikulang obra ni Nick Joaquin.

*** Webmaster’s Note: Si G. Guillermo Gomez Rivera ay isang awardee ng Premio Zobel at kaanib Academia Filipina. Siya ay dating National Language Committee Secretary ng Philippine Constitutional Convention 1971-73.

By way of background, we are reprinting below an article about the movie:

Filmmaker Tikoy Aguiluz directs Nick Joaquin classic Posted: 7:33 PM (Manila Time) | November 24, 2001 Inquirer News Service Source: http://www.inq7.net/ent/2001/nov/25/ent_6-1.htm

NATIONAL Artist for Literature Nick Joaquin depicted the roaring ’20s in his masterpiece, “Tatarin,” which was first produced as a period play. It presented the ancient pagan dance ritual that is “Tatarin,” a celebration which coincides with the feast of St. John the Baptist.

Through the magic of cinema, “Tatarin” has been turned into a multi-million-peso motion picture, directed by Tikoy Aguiluz and scripted by Ricky Lee for Viva Films. It is intended as an official entry for the Metro Manila Film Festival in December.

To give “Tatarin” a more distinguished credit, another National Artist, Lucresia Kasilag (music), composed the music. Edna Vida of Ballet Philippines choreographed the dance rituals and Dez Bautista was tapped as production designer for the period setting.

Dina Bonnevie and Edu Manzano don period costumes as they lead the stellar lineup of stars in “Tatarin.” Other members of the cast are Raymond Bagatsing, Carlos Morales, Patricia Javier, Daniel Fernando and Rica Peralejo, with the special participation of Tony Amador and Chin-Chin Gutierrez.

“Tatarin” uses the backdrop of the American occupation, the period where the picturesque “Tatarin” ritual awakens the goddesses in the quiet, passive spirits of a mistress of a mansion, Lupe (Dina) and her maid Amada (Rica). Drawn to worship of a centuries-old Balete tree, Lupe and Amada are caught in a trance that liberates them from all their inhibitions.

“Through ceaseless chanting, Lupe and Amada empower the weakest of their sensibilities,” Tikoy explains. “And by some form of erotic pagan dance, they rouse to frenzy the most savage of their desires that from long ago, had been shackled to frigidity by men who dominate their world.”

Both Tikoy and Ricky consider “Tatarin” their most important project to date.

“It is an honor for us to bring to the big screen the work of Nick Joaquin,” Tikoy says.

The director’s film credits include “Boatman,” “Segurista,” “Rizal sa Dapitan,” and “Biyaheng Langit.”

Tikoy is also at the helm of the upcoming Cinemanila Film Festival, to be held next month.
Ricky, meanwhile, wrote the screenplay for memorable films like “Himala,” “Brutal,” “Salome” and “Karnal” among many others.

Comments

  1. R Tanglao says

    Salamat sa artikulong ito. Nakakadagdag ng kaalaman sa mga pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas noong panahong unang dumating ang mga Kano.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *