Awit ni Maria Clara

by: Team Emanila Friday, April 18th, 2008
This article may comprise more than one page. To find out see Page numbers at bottom of this post.

Mga sandali’y matamis sa sarili nating Bayan;
Doo’y kaibigang tangi bawat’ sikatan ng araw;
Buhay ang sa hanging simoy na lumilipad sa parang;
Kamatayan ay masarap, kay-lambing ng pagmamahal!

Marubdob na mga halik ang naglalaro sa labi
Ng inang pagkagising na sa kandunga’y bumabati;
Sabik kawitin ng bisig ang kanyang liig na pili,
At pagtatama ng tingin, mga mata’y ngumingiti.

Kamatayan ay matamis nang dahil sa Inang-Bayan,
Doo’y kaibigang tangi bawa’t sikatan ng araw;
Nguni’t ang simoy ng hangi’y mapait na kamatayan
Sa taong walang sariling lupa, ina’t kasintahan.

*** Hinango sa Kabanata XXIII – “Ang Pangingisda,” Noli Me Tangere ni Dr Jose Rizal. Isina-Tagalog nina Domingo de Guzman, Francisco Laksamana at Maria Odulio de Guzman. 5th edition. National Book Store, 1950

 Posted: Hunyo 25, 2003, emanila*pilipino

Other articles by Team Emanila

« | Home | »

Comments are closed.

 

Adverts



*** Your text links here. Details.