Ang Pinanggalingan ng ‘Tatarin’
Ang sumusunod na artikulo ay batay sa orihinal na lathalain na ipinadala ni G. Gomez Rivera.
Para sa mga nanonood na hindi gaano naka-intindi, o nakasunod, ng argumento ng pelikulang TATARIN, na batay sa isang obra ni Nick Joaquin (The Summer Solstice), binibigay namin ang mga sumusunod na pagpaliwanag ni Dra. Belen de los Santos y Sisioco de Arguelles, inampun bilang anak ni Don Epifanio de los Santos y Cristobal (kung kanino pinangalanan ang EDSA) at dating pangulo ng Division o Instituto de Espanol y Cultura ng DECS. Ang mga pagpaliwanang ukol sa Tatarin binigay ni Dra. Arguelles nuong 1964 pa.
Ang TATARIN ayon kay Dra. Arguelles ay isang ritual upang magkaroon ng anak ang isang babaeng katutubo, lalo na ang mga katutubong Tagala. Binibigay, nitong mga babaeng nangagtatarin, ang kanilang sarili sa “iilang mga halusinasyon na guinawang mistulang sayaw upang sila’y magkaroon ng anak”.
Pero ang pelikula, na batay sa obra ni Nick Joaquin, maykatha at pambansang artista sa panitikan, hindi nagsasabi kung saan, at kung kailan, sumibol itong ritual ng pagkafertil ng isang babae.
Ang ‘Tatarin’ ay may kaugnayan sa WASP
Hindi rin sinasabi ng pelikula na ang dahilan ng pagsibul ng rito, o ritual, ng TATARIN, hanggang sa mga taong 1920, may kaugnayan sa pagmasaker ng mga Kanong WASP (White Anglo-Saxon Protestants o mga Puting Protestante) sa mga kayumangguing mga bayaning Pilipino sa panahon ng digmaan ng Estados Unidos laban sa sinalakay nilang unang Republika ng Filipinas na tinatag nuong a 12 ng Hunyo, 1898.
Ang digmaan na inumpisahan ng Estados Unidos, o ng mga Kanong WASP, laban sa unang Republika ng Filipinas nuong 1899 talagang natapos ng mahuli nila ang pangalawang pangulo ng naturang Republika na si Macario Sakay y De Leon sa taong 1907.
PINAGPAPATAY ng mga Kanong WASP ang isang milyun at kalahating mga Pilipino sa pangalan ng digmaang iyon na sinimulan ng mga nasabing Kano ng binaril nila, sa tulay ng Santa Mesa at San Juan, ang mga walang malay na mga sundalong Pilipino nuong Febrero 1899.
Pinagpapatay ng mga mananakop na mga Kanong WASP ang ikalimang bahagui ng buong populasyon ng Filipinas ayon kay James B. Goodno, isang historiador na Kano din. Ang datos na ito makikita sa pahina 33 ng libro ni Goodno na pinamagatan na: “Philippines, Land of Broken Promises na pinublika sa Nueva York” nuong 1996.
Ayon kay Dra. Arguelles “ang mga namatay na lalaking katutubo naguing napakarami kung ihambing sa proporsiyon total ng populasyon ng bansa na ang pakirandam na lumatay sa kababaihan ay ang pangulila dahil pati ang mga lalaking katutubo na di pinatay, sa digmaang iyon, nagkaroon ng trauma at parang nawalan sila ng ganang magparami ng lahi. Ang pagkawasak ng kanilang unang Republika nagkarron ng malaking epekto sa kanilang pag-iisip at humina ang kanilang pagnanasa at pakay sa pagkaroon ng mga anak. Dahil sa kalagayang ito na bumalot sa mga kalalakihang katutubo, nagwala ang mga kababaihan.”
Other articles by Guillermo Gomez Rivera
- A national language lesson from Puerto Rico - December 10, 2008
- The Thomasites, Before and After - April 18, 2008
- The Filipino State (Another way of looking at Philippine history): Part 7 of 7 Parts - April 18, 2008
- The Filipino State (Another way of looking at Philippine history): Part 6 - April 18, 2008
- The Filipino State (Another way of looking at Philippine history): Part 5 - April 18, 2008
- The Filipino State (Another way of looking at Philippine history): Part 4 - April 18, 2008
- The Filipino State (Another way of looking at Philippine history): Part 3 - April 18, 2008
- The Filipino State (Another way of looking at Philippine history): Parts 1-2 - April 18, 2008

One Response to “Ang Pinanggalingan ng ‘Tatarin’”
Salamat sa artikulong ito. Nakakadagdag ng kaalaman sa mga pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas noong panahong unang dumating ang mga Kano.
Comment made on May 13th, 2008 at 8:55 pmLeave a Comment